Doon sa may Emerald kami'y nagsama-sama
Tawanan at kulitan, k\tambayang kay saya
Sari-saring mga damdamin doon inilabas
Sari-saring kuwento doon din ibinukas
Bawat Oras at panahon na kami'y nandoon
Samahan nami'y pinagtibay ng panahon
Mga sikreto at kanya kanyang mga himig
Pinagsam't pinag-isa ng bawat tinig
May mga umalis man at kami'y iniwan
Di malilimutan ang aming pinagsamahan
Doon sa may Emarald ang aming tambayan
Pagkakaibigan na di malilimutan
Pasasalamat sa pagbuo ng samahan
Na higit kailanman hindi mapapantayan
Sa Maykapal na aming pinasasalamatan
Sa barkadahang tunay at walang iwanan
No comments:
Post a Comment